Natuwa naman daw ako dito sa bigay ni TiKey, maganda na ako lalo nya pa akong napaganda (maginsert ng tawa dito kung gusto). Nakabawas ng konting sama ng loob sa pagkawala pansamantala ng aking blog. Ngayon lang ulit ako napadpad dito sa wordpress pagkalipas ng mahigit isang taon. Mahilig kasi akong magsearch ng tag word na manilenya, tinitignan ko kung alin pang site ang gumagamit nito maliban sa akin. Pagclik ko nagulat pa ako dahil parang sarili kong gawa ang tatlong entry na nakita ko.
Mga panahon na kahit may stokwa na ako ay patuloy pa rin akong nangangalikot ng ibang blog. Nag-iisip kung saan ba ako liligaya/sasaya.
Ang laki na ng ipinagbago ng wordpress mula noong unang makita ko to. Dati hirap pa akong magpalit-palit ng template samantalang ngayon umaapaw ang template sa dashboard. At napakaganda ng wp-admin kamo. Palagay ko dito muna ako:(insert ng dalawang unang paragraph sa isa blag na ginawa ko)
Wala pansamantala ang manilenya kung kailan pa naman inaatake akong magblog part two sana ng anniversary entry ko, ang nangyayari eto ako pinagsasawa ang mga mata sa pagbabasa ng mga paboritong blog.
Medyo nagkaproblema sa bandwidth ang isa sinabay pa sa pagsasara ng mga bangko, hindi tuloy ako makapagbayad para sa bagong hosting plan. Lumipat na ako ng hosting, ang sabi ko nga mas gwapo kaysa sa dati kong host pero sa sobrang propesyunal yata nito walang kai-kaibigan, walang kakilala-kakilala. Hindi ko maaccess ang manilenya hanggang sa unang linggo ng Enero.
Baka nga sige dito muna ako.



wow! hehe, galenggg, di po bigatin yun! what happen to ur blog? at least sarili mo ang manilenya identity, no retreat, no surrender!
Wow sis! Mukhang mas ok nga dito sa wordpress! Eto ba eh isang impluwensiya na naman ni Kurokuro? hahaha.
Happy New Year to you!
waaaaa.. miss ko na manilenya!!!
may bago rin muna akong tinatambayan ate melai…
Melai, gawin mo itong website na ito na back up ng iyong manilenya.com ito ang kailangan mo gawin
1. Pag naging ok na ang manilenya.com install a wordpress plugin na mag i EXPORT ng lahat ng entries mo sa isang .XML file yata yon or something. Basta ask mo ang support chat channel nila na #wordpress sa irc.freenode.org
2. Then pagnagawa mo na yon, i upload mo na lang sa manilenya.wordpress.com
Thats it, para mas mabilis ko mabasa ang mga old archive mo!
Miss you, melai
Vince,
nag exceed ako sa bandwidth sa kabila, medyo naghahabol din ako sa pagbabayad sa new hosting ko para makapagmigrate na ng mga files pero inaasikaso na ng Hosting ko kaya hopefully maayos na rin …sana
Scarlett,
lol! hindi po
matagal na to kaya lang since nagkaroon na ko ng manilenya.com hindi ko na napag-aksayahan ng panahon.
pansamantala lang to baka nga gawin kong back up in case na magkaproblema ulit yung sarili kong domain
pero inaayos na yung sa kabila
Karmi,
wag kang mag-alala sis
inaayos na ni Ferdz sensya na ha
nagpaalam naman ako sa inyo ni malaya dati na in case magkaproblem sa paglilipat ko diba
Sa Wari Mo,
thanks sa advice gawin ko po yan
Wow! Dami mo palang nagawang site. Sayang at di mo name-maintain lahat pero sana ngayon magawa mo iyon. Maganda nga ang wordpress at pwde mong gamitin kahit may sarili kang hosting so ano pang hinihintay mo… WP na!
Happy New Year, Kabayan!
Nagbabalik from Pangasinan…
Kaya naman pala click ako ng click sa manilenya, hosting chuva ang lumalabas… sana matutunan ko na rin ang WP asap hehe
Happy New Year, te Nalen!
opo..
nabanggit nyo naman..
miss u ate melai!!!
LAR,
balik na po ang manilenya
aayusin ko na lang
problem ko kung paano ko mareretrieve yung mga old entries ko
sasha,
okey na ang manilenya kaya lang for the meantime e naka redirect muna ako
avah nagbakasyon ka pala
sarap naman nyan
ei happy new year na ha
karmi,
may problem karmi
di ko alam kung mareretrieve pa yung mga old blog natin pero okey na ang manilenya
miss u too
Di ba may feature ang wordpress na mag-retrieve nang mga posts mo from other servers? Punta ka sa admin account mo then sa Import. Alam ko nandon iyon. I hope makatulong.
LAR,
kapag wordpress to wordpress malabo yata saka sariling domain pa Xatsutsutsu bale feeder ang hinahanap e kailangan ko talagang pag-aralan
salamat po