My New Year’s Eve

1 01 2007

Naghintay ako ng pagpapalit ng taon sa harap ng monitor, wala kasi akong kasama.  Dati-rati mayroon ditong new year’s eve party, yan ay noong nandito pa ang couple housemate naming pinay at indian-malaysian.  Tapos binibisita rin kami ng isang pamilyang pinoy at iba pang mga friends ni younger sis at bayaw.  Sad to say ang blog ni preng bulitas ang kaharap ko.  Teka hindi pala ako sad baka batukan ako.  They’re out up to now nandoon sila sa bahay ng isang kaibigan,  I choosed not to go dahil alam ko tatanga lang naman ako doon.  Mas mabuti pang ito ang tangahan ko:

browswer

naks! bida preng bulitas ko ha!

Konting check ng email, and there I saw te neng’s e-card, and then the e-card melts my heart.  I’m closed to tears grabeh… hindi sa message ng card kundi sa background song.  Auld Lang Syne….hindi man lang ginawang upbeat di ba meron namang ganoon?  Ayun naaalala ko ang kamiserablehan ng pagkakataon, nandito ako magbabagong taon nag-iisa/walang kasama e di syempre malungkot.  Walang makausap…buti sumulpot si TiKeY sa kung saan…tapos si myepinoy….tapos dyarannnnnnn!!!! si Ayang makulet.  E di sumaya na rin.

Since walang putukan dito, walang nagkakaingay na mga bata at mga isip-bata, wala lahat ang pwede lang gawin e buksan ang radyo at makinig ng sounds o kaya manood ng kahit na ano..dvd, cable tv at wala na.  Naisip ko na lang gawin yung madalas gawin ni nanay taon-taon. 

itlog at garapon

Kumuha ako ng itlog at garapon pagkatapos nilagyan ko ng tubig, ang sabi ni nanay pag hinulog mo sa garapon na may tubig ang itlog mag-aanimo tore ito.  At doon daw makikita kung ano ang magiging financial status mo sa buong bagong taon.  Kapag nagsalubong ang taon at tuwang-tuwa syang nagkwento ibig sabihin maganda ang tore nya.  May dalawang matataas na kastilyo abot hanggang sa tuktok ng tubig.  Kapag walang tore naman na akala mo mga bundok bundok na magkakatabi lang …… hindi maganda ang kabuhayan.  Pero yung isip nya doon sa pangalawa hanggang noong araw lang na yun dahil sa masipag naman sya sa paghahanap-buhay hindi nya dinadamdam ang resulta ng itlog nya.

Ang aking itlog bow!!!

eksaktong kinse limang 3 minuto ng binasag ko ang itlog at nilagay sa garapon na may tubig.  Iniwanan ko sya sa harapan ko ng may ilang minuto din.  Para akong si nanay na tuwang-tuwa kasi dalawang tore na matataas ang nakita ko.  Alam ko na hindi totoo ito.  Pero sa panahon ng pag-iisa syempre aaliwin mo na lang ang sarili mo… at nakita kong magandang pang-aliw ang isang bagay na madalas gawin ni nanay sa tuwing sasapit ang Bagong Taon.

Kani-kanina lang biglang tumunog ang handfone ko, hudyat ng isang text message… si nanay ang sabi :

“HAPPY NEW YEAR WIS K SANA MAGING MATATAG K atMAGKAROON NG TWALA S SARILI

I LOVE YOU GOD BLESS U”

Ganyan na ganyan……ang nanay ko tekster na tekster……….pero napasaya nya ang simula ng Bagong Taon ko.

 

 

 


Actions

Information

30 responses

1 01 2007
kurokuroko

hirap ng mag-isa talaga. hay, how i wish nandyan ako para samahan ka.

kaso wala ako, malas mo lang. ahehe.

pero sana kahit mag-isa ka, naging masaya ang iyong new year! ako heto’t patulog na. ang tanging wish ko para sa iyo’y isang manigong bagong taon na punong-puno ng pagpapala’t pera. :)

1 01 2007
myepinoy

HAPPY New Year… ha ha ha pagn ilang bese na ba ito.

Maraming maraming salamat din.

Mamaya pag-gising mo
Ano kaya ang uunahin
Pag ba blaging ba o pagsasaing
pag blogging ang uunahin
ano ang mangyayari sa pag sasaing
pero kung uunahin ang pag sasaing
baka matutong ang sinaing

Isa pa, Happy New Year ulit…. ang kulit no.

1 01 2007
Scarlett

Happy New Year!
Mahirap talaga ang magisa. Minsan naman, may kasama ka nga pero gusto mo na lang mapag isa. Hay, anu ba yan. Walang patid na pagnanasa sa buhay. hahaha.

Sana ay masaya pa din ang iyong pagsalubong ng bagong taon. Isang masaganang bagong taon sa ating lahat!

1 01 2007
bulitas

mareng melai!
pinuyir!
waw! natats ako dun. hehe.
ok lang yan. di lang ikaw ang nagcelebrate ng taon nang nag-iisa.
isa pa, in essence, di ka namn talaga nag-iisa. nandito kamig mga bloggers to accompany u with our thoughts and adventures. wahaha. at least virtually magkasama tau. online din ako nang mag new yir. para maiba namn. d ko nilabas ang mga usok at paputok. haha. d ka nag-iisa.

uy, naaliw ako sa ginawa mo sa itlog! magawa nga mamaya.

basta. pinuyir ulit! hayaan mo, mabibiyayaan ka din ng maykapal ng kaligayahan!
sa sipag at tyaga mo, tyak na mabibiyayaan ka.
hangad klo ang kaligayahan sa iyong puso sa mga panahon pang dadating.

apir!!!!!!!!!!!1

\m/

1 01 2007
Shoshana

Well, that’s as good a celebration as any…Happy New Year!

1 01 2007
jlois

Happy new year mare! ayos yan ginawang mong pang-aliw sa sarili nitong nagdaang new year ah! ayos nga yan at least nalibang ka at malay mo nga totoo yang forecast ng itlog mo diba?
syangapala ang #dito 90843660 sms mo na lang ako.

1 01 2007
LAR

Wawa naman tayong mga nag-iisa no? Parang dagang hindi malaman kung saan susulong! :) Pero ang importante, masaya ka dahil nagtext ang nanay mo. Ang mga nanay talaga, laging nandiyan para sa mga anak!

I’m sure hindi ka malulungkot ngayong taon dahil may mga kaibigan at lalung-lalo na ang nanay mo na nagmamahal sa iyo! Maligayang pagpasok ng bagong taon!

1 01 2007
Ymir

love your new skin. kewl!

may you have a prosperous 2007. nga pala nagulat ako at may itlog ka pala.

2 01 2007
Paeng

ngayon ko lang narinig yung tungkol sa itlog itlog na yan. puwede ka nang mangtawas. LOL

2 01 2007
brVince

naks! ate, LoL! anong klase ng itlog yan? baka baog? or kaninong itlog naman yan :D nyahaha! happy new year!

2 01 2007
ria

ate melai, you’re back! i’m back! masayang bagong taon sa iyo. ganda ng kulay ng bahay mo ha. =)

2 01 2007
Agring

Lumipat ka pala dito sa wordpress kaya pala hindi ko maopen yong blog mo.
Anyway Happy New Year to you and your family!

2 01 2007
niceheart

Ngayon ko lang narinig yang itlog sa tubig. Dito rin sa Winnipeg, walang putukan. Naglusis lang kami ng mga anak ko. :)

Happy new year sa iyo, nalen!

2 01 2007
mousey

wow bagong taon bagong template din! so cool ang kulay very refreshing kaaya-aya sa mata at ang galing ng itlog mo hehehe…

happy new year!

2 01 2007
Toe

Wala ding New Year dito sa Phnom Penh. Pero nakita ko sa Channel News Asia na maganda ang fireworks sa Singapore. Ngayon ko lang din nadinig yang tubig sa itlog. Sana nga maging masagana ang iyong bagong taon.

Happy New Year Nalen!

2 01 2007
manilenya

kurokuro,
maraming salamat po sa wish
lalo na doon sa bandang huli :) yung maraming pera lol!!
Happy new year din sayo
wish ko naman para sayo ay more awards at more eye witness to come :)
at sana magkaroon na ng pinoytv dito kasi naman walang kwenta napapanood ko

myepinoy,
rereply sana ako kaya lang parang nasagot ko na to e
lol sabi na nga ba e isang taong batian to e :)

Scarlett,
happy new year po
sus hindi ako makapag comment at makapag tag sa tagboard mo laging di lumalabas yung mga code :(

bulitas,
hehehehe paano mo naman nalamang masipag at matyaga ako?
lol
pre..touched din ako sinasamahan nyo pala ako in thoughts at sa mga adventures ko yun nga lang virtual ..ayus na rin yun alam ko naman yun e :)
pre di na wala ng bisa ang itlog kapag hindi ginawa mismo sa pagpapalit ng taon :)
happy new year ulit :)

Shoshana,
Happy new year po :)

LAR,
uy!! nag-iisa ka rin?
bakit naman?
heheheheh makikitsismis :)
happy new year po :)

jlois,
pre happy new year
teka ano ginawa mo nung new year?
salamat sa number sige text kita mayamaya :)

Ymir,
hahahahaha! bakit akala mo kaw lang may itlog?
lol
Happy new year din po
at salamat nagandahan ka sa skin ko :)

Paeng,
at pwede pa kamo akong manghilot :)

Vince,
heheheheh itlog na pang sunny side up yan :)
Happy New Year din po :)

ria,
uy!! happy new year ayan hindi ka na busy e musta naman mga grades??
:) uu nga green na green ako ngayon :)

Agring,
nagulat po ako sa pagdalaw nyo :)
pansamantala lang to
naka redirect yung manilenya.com ko dito sa wordpress ko hopefully maayos ko na this week :)
maraming salamat sa pagdalaw at Happy new Year sayo :)

Irene,
happy new year sayo :)
sa pinas daw hindi na nagtatagal ang putukan ang linis nga daw ng kalye pagkatapos sabi ng nanay ko
pano sobrang hirap na daw ng pera wala ng pambili ng paputok pati panghanda :)

mouse,
uy happy new year mousey ;)
heheheh talagang magaling ang itlog ko :)

Toe,
yeah maganda nga ang fireworks dito kaya lang ang layo e sa Marina Bay pa..dulo ng MRT station e halos nasa kabilang dulo kami kaya di namin pinag-aaksayahan ng panahon puntahan..
Happy New Year din po sayo…. at salamat sa wish ….
ang wish ko naman sayo e more ……. love,money and good health :) \yung itlog ko alam ko maraming gumagawa nun e pero parang walang blogger na nakakaalam :)

2 01 2007
sasha

Ate Nalen, ni-text naman kita ah… nde pumasok? Kaya siguro wait ako di ka reply :( Hehehe, joke lang, oks lang naman kahit di ka rep, naisip ko baka busy ka

HAPPY NEW YEAR!!! Wish ko sayo good health and more blessings for this year :)

God bless!

3 01 2007
LAR

Tsismis ba gusto mo? O heto! he he he! :) Kidding aside, lumaki akong mag-isa kaya hanggang ngayon, nag-iisa ako! he he he! Kaya hindi ka nag-iisa! :) Gulo mo! Para kang buhok!

3 01 2007
ann

Yung faith healer dati sa amin gamit itlog sa panggagamot kaya pwede rin siguro yan na pang forecast ng kapalaran…hehehe.

Hirap talaga ng malayo at nag-iisa nagiging senti tayo pag may mga okasyon.

3 01 2007
{ K }

Happy New Year!!!

3 01 2007
TIKEY

Te Melai, buti ta Mama mo marunong mag text, Mama ko hindi! heheh!! Happy New Year! yipeeeeeee!

3 01 2007
jlois

anong ginawa ko noong new year? nag ikot-ikot lang sa paligid ng orchard!

3 01 2007
lhadymitch

hi sis new na poh blog koh pakichange nalang poh yung url ng site koh http://lhadymitch.angelic-pink.net/claire thank you..

3 01 2007
manilenya

sasha,
lol! sensya na hirap ng dalawa handfone bihira macheck yung isa minsan nga di ko namamalayan wala na palang load …. nakita ko pa message mo pero sa tagal dumating ng mga text from pinas umaga ko na nabasa sensya na at di na nakareply kasi gumala na kami paggising e nagpunta sa kabilang dulo ng Singapore yung malapit na sa malaysia :)
salamat pala sa laging pagtetext :) Happy New Year :)

LAR,
asus kaw kaya magulo!
lol oks sige hanggang doon na lang muna pakikitsismis ko at baka sabihin mo sobra na kong tsismosa :)

ann,
naku ewan ko ba kung saan nakuha ng nanay ko yang itlog itlog na yan.

K,
happy new year din :)

TiKeY,
naku@! tagal bago matutong magtext nun ano :)
nung pagcocomputer na tinuturo ko ayaw na
pero least now minsan nakakachat ko na sya pero mas gusto nya yung call sa yahoo para di nasya nagtatayp bagal kasi e :)

jlois,
asus daming tao nung gabing yun dun
e nag-enjoy ka naman po ba?

lhadymitch,
sige palit ko :)

3 01 2007
Michelle

Pag nasa ibang bansa talaga may kurot na lungkot pero sandali lang naman yun… Happy new year nalen! God bless! *mwuah*

3 01 2007
Sa Wari Ko

Ibang itlog ang hawak hawak ko noong new year.

:P

3 01 2007
Abaniko

Happy New Year. At least may computer kang kasama dyan kesa sa talagang wala. Hehe.

3 01 2007
manilenya

Michelle,
uunga sandli lang ang lungkot kasi habang tumatagal akong naka online nawawala yung lungkot ko e :)
Happy New Year din po sa yo :)

Sa Wari Ko,
uhmmn anong itlog naman kaya yun?

Abaniko,
uu nga kaya nga laking utang na loob ko sa computer :)
Happy New year din po :)

3 01 2007
Lazarus

new colors ah! Happy New Year!

3 01 2007
manilenya

Lazarus,
Ei happy New Year din po :)

Leave a comment